" Ysabella" , ang isa sa pinaka-kilalang tele-nobela at palagi ko ding pinapanood. Marami ka kasing mapupulot na aral sa kabila nang pagiging madrama ng istorya nito. Liban pa sa talagang nagagalingan ako sa pag-arte nina Judy Ann Santos, Aiza Seguerra, atbp., eh mahilig din ako sa mga palabas na related sa pagkain o pagluluto ng mga pagkain.
Matagal ko nang gustong magkaroon ng negosyo na syempre hindi lalayo sa pagkain, at iba't-ibang ideya na din ang aking naisip. Tulad ng pagtatayo ng isang restaurant na ang mga ibebenta eh panay street foods. Bakeeet? kasi liban sa gusto kong safe ang kakainin ng mga magiging costumer eh pang-masa din ito, ika nga eh kayang bilhin ng mga ordinaryong tao.Kaya nga lang hindi ganun kadali, dahil wala naman akong perang gagamitin para umpisahan ito.
Kanina nasabi sa akin ng karelasyon ko na napanood nga nya ang isang episode ng Ysabella, at ang thesis nga daw dito ni Ysabella na walang iba kundi si Judy Ann Santos ay tungkol sa pagtatayo ng isang restaurant na panay street foods ang ibinebenta. Nakakatuwa na may nakaisip din pala ng naisip ko, pero nalungkot din ako kasi naipalabas na sya sa TV eh hindi ko pa rin naumpisahang gawin.
Ganunpaman, mas lalo akong ginanahang ituloy ang iba ko pang mga plano. Marami din sigurong may magagandang ideya na hindi nabibigyan ng pagkakataong gawin ang mga pangarap nila sa hirap ng buhay, at marami ding mga taong nagpupursigeng matupad ang mga pangarap nila. Sabi nga pangarap lang ang libre sa panahong ito.
Sunday, November 25, 2007
THESIS
Posted by Armie at 5:51 PM 2 comments
Subscribe to:
Posts (Atom)