Karaniwan na tayong nakakakita nang mga trade fairs, dito kc tayo nakakabili ng mga produkto from other provinces ng hindi na nangangailangang bumiyahe pa tayo sa malayo. Liban dun di ko inakalang marami din palang kwento sa bawat booth na pupuntahan mo. Last December isa ako sa inassign na magbenta sa booth namin. Ang gusto ko lang nung time na yun ay makapagbenta kasi may quota kami, pero di sumagi sa isipan ko na mag-eenjoy ako ng husto sa pinuntahan ko.
Marami akong nakilala syempre, mga nagbabantay ng booth na mula sa iba't-ibang organization/foundations na mula din sa iba't-ibang probinsya. Si Zylon taga-Palawan at isa sa mga nagbebenta ng perlas. Sabi nya, para daw malaman mo na tunay na perlas ang binibili mo ay pagkiskisin mo daw ang dalawang perlas at kapag naging powder ang pinagkiskis na bahagi ay siguradong tunay itong perlas. May perlas na cultured at may perlas din na natural na nagmumula sa dagat.
May mga bumibili din sa amin na nakikipagkwentuhan, tulad na lang ng isa sa mga naging customer namin. Ayon sa kwento nya sya diumano ang dahilan kung bakit nagkaroon nang patakaran na kapag malapit nang manganak ang isang babae ay di na sya maaring sumakay sa eroplano. Ang pangalan nya ay Anghel, kasi nga naman ipinanganak sya sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Matanda na sya ....siguro mga nasa 70-80 na ang edad nito. Pero malakas pa mukhang malusog pa ang pangangatawan. Nakakatuwa kasi marami tayong maaring malamang impormasyon at kapupulutan ng aral sa mga taong di natin kilala. Kelangan lang talaga nating makinig.
Friday, February 1, 2008
TRADE FAIR
Posted by Armie at 7:47 PM 0 comments
Subscribe to:
Posts (Atom)