Do you want to earn extra income? We all are experiencing economic crisis, but to solve it we need to make decisions....to make our financial status better or wait for miracles that are impossible to happen. What I'm saying is, there are lots of opportunities to make an income and we only need to give some attention to it.
Monday, September 7, 2009
PAID SURVEYS
Do you want to earn extra income? We all are experiencing economic crisis, but to solve it we need to make decisions....to make our financial status better or wait for miracles that are impossible to happen. What I'm saying is, there are lots of opportunities to make an income and we only need to give some attention to it.
Posted by Armie at 3:02 PM 0 comments
Wednesday, December 17, 2008
TIWLIGHT

Posted by Armie at 12:38 PM 0 comments
Friday, February 1, 2008
TRADE FAIR
Karaniwan na tayong nakakakita nang mga trade fairs, dito kc tayo nakakabili ng mga produkto from other provinces ng hindi na nangangailangang bumiyahe pa tayo sa malayo. Liban dun di ko inakalang marami din palang kwento sa bawat booth na pupuntahan mo. Last December isa ako sa inassign na magbenta sa booth namin. Ang gusto ko lang nung time na yun ay makapagbenta kasi may quota kami, pero di sumagi sa isipan ko na mag-eenjoy ako ng husto sa pinuntahan ko.
Marami akong nakilala syempre, mga nagbabantay ng booth na mula sa iba't-ibang organization/foundations na mula din sa iba't-ibang probinsya. Si Zylon taga-Palawan at isa sa mga nagbebenta ng perlas. Sabi nya, para daw malaman mo na tunay na perlas ang binibili mo ay pagkiskisin mo daw ang dalawang perlas at kapag naging powder ang pinagkiskis na bahagi ay siguradong tunay itong perlas. May perlas na cultured at may perlas din na natural na nagmumula sa dagat.
May mga bumibili din sa amin na nakikipagkwentuhan, tulad na lang ng isa sa mga naging customer namin. Ayon sa kwento nya sya diumano ang dahilan kung bakit nagkaroon nang patakaran na kapag malapit nang manganak ang isang babae ay di na sya maaring sumakay sa eroplano. Ang pangalan nya ay Anghel, kasi nga naman ipinanganak sya sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Matanda na sya ....siguro mga nasa 70-80 na ang edad nito. Pero malakas pa mukhang malusog pa ang pangangatawan. Nakakatuwa kasi marami tayong maaring malamang impormasyon at kapupulutan ng aral sa mga taong di natin kilala. Kelangan lang talaga nating makinig.
Posted by Armie at 7:47 PM 0 comments
Sunday, November 25, 2007
THESIS
" Ysabella" , ang isa sa pinaka-kilalang tele-nobela at palagi ko ding pinapanood. Marami ka kasing mapupulot na aral sa kabila nang pagiging madrama ng istorya nito. Liban pa sa talagang nagagalingan ako sa pag-arte nina Judy Ann Santos, Aiza Seguerra, atbp., eh mahilig din ako sa mga palabas na related sa pagkain o pagluluto ng mga pagkain.
Matagal ko nang gustong magkaroon ng negosyo na syempre hindi lalayo sa pagkain, at iba't-ibang ideya na din ang aking naisip. Tulad ng pagtatayo ng isang restaurant na ang mga ibebenta eh panay street foods. Bakeeet? kasi liban sa gusto kong safe ang kakainin ng mga magiging costumer eh pang-masa din ito, ika nga eh kayang bilhin ng mga ordinaryong tao.Kaya nga lang hindi ganun kadali, dahil wala naman akong perang gagamitin para umpisahan ito.
Kanina nasabi sa akin ng karelasyon ko na napanood nga nya ang isang episode ng Ysabella, at ang thesis nga daw dito ni Ysabella na walang iba kundi si Judy Ann Santos ay tungkol sa pagtatayo ng isang restaurant na panay street foods ang ibinebenta. Nakakatuwa na may nakaisip din pala ng naisip ko, pero nalungkot din ako kasi naipalabas na sya sa TV eh hindi ko pa rin naumpisahang gawin.
Ganunpaman, mas lalo akong ginanahang ituloy ang iba ko pang mga plano. Marami din sigurong may magagandang ideya na hindi nabibigyan ng pagkakataong gawin ang mga pangarap nila sa hirap ng buhay, at marami ding mga taong nagpupursigeng matupad ang mga pangarap nila. Sabi nga pangarap lang ang libre sa panahong ito.
Posted by Armie at 5:51 PM 2 comments
Wednesday, October 31, 2007
Thursday, October 25, 2007
Iloilo-Bacolod Trip Part I
Biyaheng Iloilo
Bus, jeep, tricycle, pedicab, barko, kalabaw, lahat yata ng klase ng transportasyon ay nasakyan ko na, liban sa eroplano. Takot kasi akong sumakay dito, dahil ito ang sasakyang siguradong tigok ka kapag nagkaaberya(well, hindi naman lahat). Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na ito maiiwasan, lalo at mismong boss ko na ang bumili ng plane ticket para sa akin. Mas madali ka nga namang makakarating. Kaya wala na talaga akong nagawa.
October 18, 2007 ang biyahe ko patungong Iloilo, nakakatuwa at nakakainis ang naranasan ko mula rito. Mula opisina(sa Pasig)hanggang airport, andiyan ang trapik at siempre dahil first time ko ay medyo aanga-anga ako sa gagawin ko. Buti na lang at likas na sa akin ang pagiging makapal ang mukha at hindi ako nahiyang mgatanong. Dito ko nakilala ang isang babaeng nasa edad 50, at nagtatrabaho sa DOJ ng Aklan, at nagkataong kasabay ko rin pala sa eroplano. Nagkakwentuhan kami ng mahigit isang oras. Sa tagal ngb pag-uusap namin, napagkwentuhan na namin ang Boracay at Baguio, pero hindi namin natanong sa isa't isa kung anu ang mga pangalan namin.
Ala una pa siya naghihintay at napostpond ang flight niya kaya inabot siya nag limang oras sa paghihintay. Akala ko'y ligtas na ako, pero tulad niya, delayed din ang flight ko, imbes na 7:05 pm ay naging 8:40 na. Pero swerte pa rin kami kumpara sa ibang pasahero nung mga oras din iyon.
Posted by Armie at 5:04 PM 1 comments





